TALATINIGAN
NG SALITA KAUGNAY SA TUNOG: TITIK “A”
Robin
Daniel Z. Rivera
Antropolohiya
297: Special Topics in Philippine Culture
Prop.
Prospero Covar, Ph.D.
14
Oktubre 2003
Matagal
ko nang pinapag-aralan ang mga katangian ng tunog. Subali’t
karamihan ng mga aklat at artikulo ukol dito ay galing sa ibang
bansa. Kung mayroon mang artikulo na galing sa Pilipinas, ito’y
nakasulat sa wikang Ingles. Sa pagnanais kong maintindihan ang
konteksto ng tunog sa kulturang Pilipino, nagsimula akong mag-likom
ng salita sa Wikang Filipino kaugnay ng tunog.
Ang
unang hakbang ng aking paghahanap nagtipon ko and mga salitang
kaugnay ng mga ingay.
Sa aking maikling papel na pinamagatang “Exploring Noise and
Noise,
Ingay and Ingay”1
, nakalikom ako ng tatlumpong salita, mula sa sari-saring
diksyonariong English-Filipino at Filipino-Filipino. Una kong
napansin ang kayamanan ng salita na onomatopeic, o batay sa tunog ng
isang pangyayari. Kapansin-pansin din na ang ingay
sa Filipino ay isa lamang sa maraming klase ng tunog na laganap,
hindi tulad ng noise
sa Ingles na karaniwang itinuturing di-kanaisnais at dapat iwasan.
Sa
papel na ito, sisimulan ko ang pangalawang hakbang. Dito tinipon ang
lahat ng salita na may kaugnayan sa tunog. Ito’y ibabase sa isang
batis, and “U.P. Diksiyonaryong Filipino”2.
Bilang panimulang pagsusuri, sasakupin ko ang mga salita na
naguumpisa sa letrang “a”.
MGA
LAHOK
May
isang-daan at limampung-walung lahok sa nagsisimula sa titik “a”.
Sa pag-aaral na ito, ang isang lahok ay may anim na bahagi kaugnay ng
linalaman ng diksiyunario, 1) pahina,
2) salita
at bigkas,
3) daglat,
4) wikang
pinagmulan,
5) pakahulugan.
Bukod dito, dinagdag ang isa pang bahagi, 6) Mekanismo
O Paraan Ng Pagganap.
DAGLAT
(hanayan 1)
Ang
pinakamalaking bilang ng mga lahok ay may daglit na pangngalan (105).
Mas nakararami dito (28) ang mga anyo ng pananalita, pagtula, o
pagawit (hanayan 4). Kapansin-pansin din ang dami ng padamdam (26) sa
diksiyonaryong ito. Halimbawa, higit sa doble ang bilang dito kaysa
sa diksyunaryo ng Linangan ng Mga Wika sa Pilipinas3.
Maaring ito’y dahil sa balangkas o polisiya ng patnugot. Ngunit ang
ganitong balangkas ay maari rin palatandaan ng, at bunga ng pagiging
“masalita”
(orality) ng Wikang Filipino. Maaaring iugnay ang hinalang ito sa
aking obserbasiyon tungkol sa yaman sa salitang onomatopeic.
“Oral
cultures are held to operate using mnemonic patterns, and parallel
closely the occurrence of phenomena in the "human life world".
Onomatopoeia operationalizes this by creating words based on the
vocal imitation of actual sounds. This uncanny connection fulfills
most of the characteristics of orality set down by Ong. For example,
onomatopoeic words refer closely to the "human life world"
because of their imitative nature. Then, it enhances memorability
because it is, in a sense, redundant of the original phenomenon.
Finally, onomatopoeia is also expressive and situational, as opposed
to analytical and abstract. All of these strengthen the argument that
onomatopoeia is a characteristic of a primarily oral culture.”4
Karamihan
ng mga salitang padamdam ay maituturing nating “abstract”
sapagkat wala itong kahawig na tunog sa kalikasan, di tulad ng
onomatopea na pang-gagaya ng isang tunog.. Subali’t may mga
salitang padamdam na wala din namang pinanangalang bagay o tunog.
Dito, tinutukoy ng salita ang mismong tunog ng pagbigkas. Sa ganitong
makahulugan mapahayag mga salita, nagiging matunog
ang Wikang Filipino.
Hanayan
1: Bilang Ng Mga Salita Batay Sa Daglit
- DAGLITBILANGpangngalan105padamdam26pang-uri18pang-abay2pandiwa5music1wala1TOTAL158
PINAGMULANG
WIKA/DIYALEKTO
(hanayan 2)
May
tatlumput-apat na wikang tinuturing pinagmulan ng mga lahok. Ang
pinakamalaking bilang (49) ay walang pananda, at maaaring maituring
na “likas” na Pilipino. Ang pinakamalaking bilang ng hiram na
salita ay galing sa wikang Kastila (32). Sa mga wika ng Pilipinas,
ang pinakamalaking bilang ay tubong Iloko (10).
Marahil,
nagbubunga ito ng isyung etimolohikal. Halimbawa, kapansin-pansin na
walang lahok na sinanasbing galing sa ibang wika ng Timog-Silangang
Asya. Kahit sa gabay ng diksiyunario, walang nakasaad na palatandaan
para sa anumang wika bukod sa mga wika ng Tsino, Arabo, Swahili,
Sanskrit, Griyego, Europeo at Pilipino. Maaring sabihin na ang
anumang salita na ginagamit sa Pilipinas na tubong Timog-Silangang
Asya ay likas at hindi hiniram. Subali’t kung sa etimolohiya ng
bawat salita ay sinali ang mga wika ng Pilipinas at Europa, dapat
ding isinaalang-alang ang pag-asang may mga kahawig na salita mula sa
ibang wikang Timog-Silangang Asya.
Hanayan
2: Bilang Ng Salita Batay Sa Wikang Pinagmulan
- WIKABILANGAgt1Agt-Mbk3Bag1Baj Bat Bil Klg Mag Man Mar Pal Sma Tau Tgk Tbo Tir Yak1Bik3Bik Hil Kap Seb Tag1Bik Kap Tag1Bil1Bon4Dum1Esp32Esp Lat Heb2Fre1Hil4Hil Seb1Ifu3Igo1Ilk9Ilk Tag Seb1Ilt1Ing9Ita3Kal1Kan1Kap4Kap Tag3Lat2Mag1Man1Mnb1Seb2St1Tgb1Tir2War5Wala49TOTAL158
Mekanismo
O Paraan Ng Pagganap
(hanayan 3 at 4)
Lumikha
ako ng apat na kategoria na nakabase sa mekanismo at pamamaraan ng
pagganap ng tunog. Ang pinakamalaking bilang ng salita, halos
kalahati ng kabuuang bilang, ay may kinalaman sa tao (74). Susunod
dito ang bilang ng salitang may kinalaman sa musika (39). Bagama’t
masasabi na ang musika’y likha, at nagmumula rin sa tao,
katangi-tangi ang musika bilang anyong sining, pagpapahayag at
kommunikasyon. Dagdag nito, maituturing ding pareho ang musika sa
ibang anyo ng literatura (halimbawa: tula) dahil sa pagiging sining
nito. Ngunit base sa daglit, anim lang ang salitang may kinalaman sa
literatura. Dahil dito, minarapat na ibukod ang musika sa ibang
kategoriya.
Pangatlo
lamang ang mg salita na may kinalaman sa kalikasan bukod sa tao.
Maaring sabihin na bilang paraan ng komunikasyon at pagpapahayag, mas
pinaguukulan ng pansin ang mga wika at gawain ng tao, kaysa sa ibang
elemento ng kalikasan.
Hanayan
3: Bilang Ng Salita Batay Sa Mekanismo O Paraan Ng Pagganap
- MAY KINALAMAN SA TAOBILANGanyo ng pananalita, pagtula, o pagawit37galing sa boses ng tao29hingil sa pakikinig ng tao3galing sa katawan ng tao bukod sa boses2uri ng boses ng tao2hinggil sa kakayahan ng tao1TOTAL74MAY KINALAMAN SA MUSIKA
panggalan ng instrumentong musikal12paraan ng paggawa o pagayos ng musika8uri ng musika7pangalan o uri ng manunugtog o nagaayos ng musika6bahagi o elemento ng musika4tunog ng instrumentong musikal2TOTAL39MAY KINALAMAN SA KALIKASAN
galing sa boses ng hayop o insekto8galing sa halaman o ibang elemento ng kalikasan5tunog gawa ng ugnayan ng bagay sa kalikasan5gawa ng ugnayan ng tunog at espasiyo4uri ng tunog mula sa kalikasan3tunog gawa ng ugnayan ng tao at kalikasan1TOTAL26PANGKALAHATANG KATEGORIYA
panglahatang uri ng tunog11pagbabago ng tunog gawa ng teknolohiya o kalikasan3kalagayan ng pang-kalahatang tunog sa kalikasan3hinggil sa tunog2TOTAL19
Hanayan
4: Cross-tabulation ng Bilang Ng Salita Batay Sa Daglit, at
Kategoriya ng Mekanismo O Paraan Ng Pagganap
- KATEGORIYAwalamuspnbpndpnrpddpngTOTALA.1. anyo ng pananalita, pagtula, o pagawit
45
2837A.2. galing sa boses ng tao
25429A.3 hingil sa pakikinig ng tao
3
3A.4. galing sa katawan ng tao bukod sa boses
22A.5. anyo ng boses ng tao
22A.6. hinggil sa kakayahan ng tao
1
1B.1. panggalan ng instumentong musikal
1212B.2. paraan ng paggawa o pagayos ng musika
1212
28B.3 anyo ng musika
167B.4. pangalan o uri ng manunugtog o nagaayos ng musika
66B.5. bahagi o elemento ng musika
44B.6. tunog ng intrumentong musikal1
12C.1. galing sa boses ng hayop o insekto
88C.2. galing sa halaman o ibeng elemento ng kalikasan
55C.3. tunog gawa ng ugnayan ng bagay sa kalikasan
55C.4. anyo ng tunog mula sa kalikasan
33C.5. kalagayan ng pang-kalahatang tunog sa kalikasan
1
23C.6. tunog gawa ng ugnayan ng tao at kalikasan
11D.1. panglahatang uri ng tunog
1
1011D.2. gawa ng ugnayan ng tunog at espasiyo
3
14D.3. pagbabago ng tunog gawa ng teknolohiya o kalikasan
1
23D.4. hinggil sa tunog
1
12TOTAL11251826105158
KONKLUSYON
AT REKOMENDASYON
Tatlong
magkaugnay na suliranin ang umuusbong sa pagsisiyasat na ito. Una,
hindi malinaw ang ugnayan ng wikang Filipino sa ibang wika sa
timog-silangang Asya. Bagama’t minabuting ilapat ang etimolohiya ng
mga salitang galing sa wikang Europeo, walang kaukulang pansin ang
binigyan sa mga salitang maaring kahawig sa wikang Asyano. Dapat
magkaroon ng mas masusing pananaliksik sa larangang ito.
Pangalawa,
malinaw ang pagkabukod-tangi ng balangkas ng diksiyunaryong ito kaysa
sa iba. Base sa di-pormal sa pagsisiyasat ng ibang diksiyunaryong
Filipino, kapansin-pansin ang paglakip ng mas nakararaming padamdam..
Malamang nais bigyan ng halaga, hindi lamang ng salita bilang
tekstong nakasulat, kundi pati teksto bilang salita na binibigkas.
Kaugnay nito, ang balangkas ng diksiyunaryong ito ay maaring bunga
nang pagiging likas na makasalita at matunog ng wikang Filipino.
Ang
mga suliraning ito base sa malinaw, subali’t ‘di-kumpletong
pagsisiyasat. Maaaring pag-tibayan ito pamamagitan ng 1) pag-
kumpleto ng buong diksiyunario, mula titik “a” hanggang “z”,
2) panayam sa mga patnugot tungkol sa mga balangkas at polisiya, at
3) masusing paghambing sa ibang diksiyunaryong Filipino.
------------
Footnotes
------------
Footnotes
1Robin
Daniel Z. Rivera. “Noise 2: Exploring Noise and Noise,
Ingay and Ingay”.
12 Abril 2002.
2Virgilio
S. Almario (ed.). UP
Diksiyonaryong Filipino.
(Quezon City, Sentro ng Wikang Filipino, 2001), 1-69.
3Linangan
ng mga Wika sa Pilipinas. Diksyunaryo
ng Wikang Filipino,
Unang Edisyon. (Cacho Hermanos Inc., Mandaluyong, Metro Manila,
1989)
4Robin
Daniel Z. Rivera. “Noise 2: Exploring Noise and Noise,
Ingay and Ingay”.
12 Abril 2002.