Pages

14 October 2003

TALATINIGAN NG SALITA KAUGNAY SA TUNOG: TITIK “A”

TALATINIGAN NG SALITA KAUGNAY SA TUNOG: TITIK “A
Robin Daniel Z. Rivera
Antropolohiya 297: Special Topics in Philippine Culture
Prop. Prospero Covar, Ph.D.
14 Oktubre 2003

Matagal ko nang pinapag-aralan ang mga katangian ng tunog. Subali’t karamihan ng mga aklat at artikulo ukol dito ay galing sa ibang bansa. Kung mayroon mang artikulo na galing sa Pilipinas, ito’y nakasulat sa wikang Ingles. Sa pagnanais kong maintindihan ang konteksto ng tunog sa kulturang Pilipino, nagsimula akong mag-likom ng salita sa Wikang Filipino kaugnay ng tunog.
Ang unang hakbang ng aking paghahanap nagtipon ko and mga salitang kaugnay ng mga ingay. Sa aking maikling papel na pinamagatang “Exploring Noise and Noise, Ingay and Ingay1 , nakalikom ako ng tatlumpong salita, mula sa sari-saring diksyonariong English-Filipino at Filipino-Filipino. Una kong napansin ang kayamanan ng salita na onomatopeic, o batay sa tunog ng isang pangyayari. Kapansin-pansin din na ang ingay sa Filipino ay isa lamang sa maraming klase ng tunog na laganap, hindi tulad ng noise sa Ingles na karaniwang itinuturing di-kanaisnais at dapat iwasan.
Sa papel na ito, sisimulan ko ang pangalawang hakbang. Dito tinipon ang lahat ng salita na may kaugnayan sa tunog. Ito’y ibabase sa isang batis, and “U.P. Diksiyonaryong Filipino”2. Bilang panimulang pagsusuri, sasakupin ko ang mga salita na naguumpisa sa letrang “a”.

MGA LAHOK
May isang-daan at limampung-walung lahok sa nagsisimula sa titik “a”. Sa pag-aaral na ito, ang isang lahok ay may anim na bahagi kaugnay ng linalaman ng diksiyunario, 1) pahina, 2) salita at bigkas, 3) daglat, 4) wikang pinagmulan, 5) pakahulugan. Bukod dito, dinagdag ang isa pang bahagi, 6) Mekanismo O Paraan Ng Pagganap.

DAGLAT (hanayan 1)
Ang pinakamalaking bilang ng mga lahok ay may daglit na pangngalan (105). Mas nakararami dito (28) ang mga anyo ng pananalita, pagtula, o pagawit (hanayan 4). Kapansin-pansin din ang dami ng padamdam (26) sa diksiyonaryong ito. Halimbawa, higit sa doble ang bilang dito kaysa sa diksyunaryo ng Linangan ng Mga Wika sa Pilipinas3. Maaring ito’y dahil sa balangkas o polisiya ng patnugot. Ngunit ang ganitong balangkas ay maari rin palatandaan ng, at bunga ng pagiging “masalita” (orality) ng Wikang Filipino. Maaaring iugnay ang hinalang ito sa aking obserbasiyon tungkol sa yaman sa salitang onomatopeic.
Oral cultures are held to operate using mnemonic patterns, and parallel closely the occurrence of phenomena in the "human life world". Onomatopoeia operationalizes this by creating words based on the vocal imitation of actual sounds. This uncanny connection fulfills most of the characteristics of orality set down by Ong. For example, onomatopoeic words refer closely to the "human life world" because of their imitative nature. Then, it enhances memorability because it is, in a sense, redundant of the original phenomenon. Finally, onomatopoeia is also expressive and situational, as opposed to analytical and abstract. All of these strengthen the argument that onomatopoeia is a characteristic of a primarily oral culture.”4
Karamihan ng mga salitang padamdam ay maituturing nating “abstract” sapagkat wala itong kahawig na tunog sa kalikasan, di tulad ng onomatopea na pang-gagaya ng isang tunog.. Subali’t may mga salitang padamdam na wala din namang pinanangalang bagay o tunog. Dito, tinutukoy ng salita ang mismong tunog ng pagbigkas. Sa ganitong makahulugan mapahayag mga salita, nagiging matunog ang Wikang Filipino.
Hanayan 1: Bilang Ng Mga Salita Batay Sa Daglit
DAGLIT
BILANG
pangngalan
105
padamdam
26
pang-uri
18
pang-abay
2
pandiwa
5
music
1
wala
1
TOTAL
158

PINAGMULANG WIKA/DIYALEKTO (hanayan 2)
May tatlumput-apat na wikang tinuturing pinagmulan ng mga lahok. Ang pinakamalaking bilang (49) ay walang pananda, at maaaring maituring na “likas” na Pilipino. Ang pinakamalaking bilang ng hiram na salita ay galing sa wikang Kastila (32). Sa mga wika ng Pilipinas, ang pinakamalaking bilang ay tubong Iloko (10).
Marahil, nagbubunga ito ng isyung etimolohikal. Halimbawa, kapansin-pansin na walang lahok na sinanasbing galing sa ibang wika ng Timog-Silangang Asya. Kahit sa gabay ng diksiyunario, walang nakasaad na palatandaan para sa anumang wika bukod sa mga wika ng Tsino, Arabo, Swahili, Sanskrit, Griyego, Europeo at Pilipino. Maaring sabihin na ang anumang salita na ginagamit sa Pilipinas na tubong Timog-Silangang Asya ay likas at hindi hiniram. Subali’t kung sa etimolohiya ng bawat salita ay sinali ang mga wika ng Pilipinas at Europa, dapat ding isinaalang-alang ang pag-asang may mga kahawig na salita mula sa ibang wikang Timog-Silangang Asya.

Hanayan 2: Bilang Ng Salita Batay Sa Wikang Pinagmulan
WIKA
BILANG
Agt
1
Agt-Mbk
3
Bag
1
Baj Bat Bil Klg Mag Man Mar Pal Sma Tau Tgk Tbo Tir Yak
1
Bik
3
Bik Hil Kap Seb Tag
1
Bik Kap Tag
1
Bil
1
Bon
4
Dum
1
Esp
32
Esp Lat Heb
2
Fre
1
Hil
4
Hil Seb
1
Ifu
3
Igo
1
Ilk
9
Ilk Tag Seb
1
Ilt
1
Ing
9
Ita
3
Kal
1
Kan
1
Kap
4
Kap Tag
3
Lat
2
Mag
1
Man
1
Mnb
1
Seb
2
St
1
Tgb
1
Tir
2
War
5
Wala
49
TOTAL
158

Mekanismo O Paraan Ng Pagganap (hanayan 3 at 4)
Lumikha ako ng apat na kategoria na nakabase sa mekanismo at pamamaraan ng pagganap ng tunog. Ang pinakamalaking bilang ng salita, halos kalahati ng kabuuang bilang, ay may kinalaman sa tao (74). Susunod dito ang bilang ng salitang may kinalaman sa musika (39). Bagama’t masasabi na ang musika’y likha, at nagmumula rin sa tao, katangi-tangi ang musika bilang anyong sining, pagpapahayag at kommunikasyon. Dagdag nito, maituturing ding pareho ang musika sa ibang anyo ng literatura (halimbawa: tula) dahil sa pagiging sining nito. Ngunit base sa daglit, anim lang ang salitang may kinalaman sa literatura. Dahil dito, minarapat na ibukod ang musika sa ibang kategoriya.
Pangatlo lamang ang mg salita na may kinalaman sa kalikasan bukod sa tao. Maaring sabihin na bilang paraan ng komunikasyon at pagpapahayag, mas pinaguukulan ng pansin ang mga wika at gawain ng tao, kaysa sa ibang elemento ng kalikasan.

Hanayan 3: Bilang Ng Salita Batay Sa Mekanismo O Paraan Ng Pagganap
MAY KINALAMAN SA TAO
BILANG
anyo ng pananalita, pagtula, o pagawit
37
galing sa boses ng tao
29
hingil sa pakikinig ng tao
3
galing sa katawan ng tao bukod sa boses
2
uri ng boses ng tao
2
hinggil sa kakayahan ng tao
1
TOTAL
74
MAY KINALAMAN SA MUSIKA

panggalan ng instrumentong musikal
12
paraan ng paggawa o pagayos ng musika
8
uri ng musika
7
pangalan o uri ng manunugtog o nagaayos ng musika
6
bahagi o elemento ng musika
4
tunog ng instrumentong musikal
2
TOTAL
39
MAY KINALAMAN SA KALIKASAN

galing sa boses ng hayop o insekto
8
galing sa halaman o ibang elemento ng kalikasan
5
tunog gawa ng ugnayan ng bagay sa kalikasan
5
gawa ng ugnayan ng tunog at espasiyo
4
uri ng tunog mula sa kalikasan
3
tunog gawa ng ugnayan ng tao at kalikasan
1
TOTAL
26
PANGKALAHATANG KATEGORIYA

panglahatang uri ng tunog
11
pagbabago ng tunog gawa ng teknolohiya o kalikasan
3
kalagayan ng pang-kalahatang tunog sa kalikasan
3
hinggil sa tunog
2
TOTAL
19

Hanayan 4: Cross-tabulation ng Bilang Ng Salita Batay Sa Daglit, at Kategoriya ng Mekanismo O Paraan Ng Pagganap
KATEGORIYA
wala
mus
pnb
pnd
pnr
pdd
png
TOTAL
A.1. anyo ng pananalita, pagtula, o pagawit



4
5

28
37
A.2. galing sa boses ng tao





25
4
29
A.3 hingil sa pakikinig ng tao




3


3
A.4. galing sa katawan ng tao bukod sa boses






2
2
A.5. anyo ng boses ng tao






2
2
A.6. hinggil sa kakayahan ng tao




1


1
B.1. panggalan ng instumentong musikal






12
12
B.2. paraan ng paggawa o pagayos ng musika

1
2
1
2

2
8
B.3 anyo ng musika





1
6
7
B.4. pangalan o uri ng manunugtog o nagaayos ng musika






6
6
B.5. bahagi o elemento ng musika






4
4
B.6. tunog ng intrumentong musikal
1





1
2
C.1. galing sa boses ng hayop o insekto






8
8
C.2. galing sa halaman o ibeng elemento ng kalikasan






5
5
C.3. tunog gawa ng ugnayan ng bagay sa kalikasan






5
5
C.4. anyo ng tunog mula sa kalikasan






3
3
C.5. kalagayan ng pang-kalahatang tunog sa kalikasan




1

2
3
C.6. tunog gawa ng ugnayan ng tao at kalikasan






1
1
D.1. panglahatang uri ng tunog




1

10
11
D.2. gawa ng ugnayan ng tunog at espasiyo




3

1
4
D.3. pagbabago ng tunog gawa ng teknolohiya o kalikasan




1

2
3
D.4. hinggil sa tunog




1

1
2
TOTAL
1
1
2
5
18
26
105
158


KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
Tatlong magkaugnay na suliranin ang umuusbong sa pagsisiyasat na ito. Una, hindi malinaw ang ugnayan ng wikang Filipino sa ibang wika sa timog-silangang Asya. Bagama’t minabuting ilapat ang etimolohiya ng mga salitang galing sa wikang Europeo, walang kaukulang pansin ang binigyan sa mga salitang maaring kahawig sa wikang Asyano. Dapat magkaroon ng mas masusing pananaliksik sa larangang ito.
Pangalawa, malinaw ang pagkabukod-tangi ng balangkas ng diksiyunaryong ito kaysa sa iba. Base sa di-pormal sa pagsisiyasat ng ibang diksiyunaryong Filipino, kapansin-pansin ang paglakip ng mas nakararaming padamdam.. Malamang nais bigyan ng halaga, hindi lamang ng salita bilang tekstong nakasulat, kundi pati teksto bilang salita na binibigkas. Kaugnay nito, ang balangkas ng diksiyunaryong ito ay maaring bunga nang pagiging likas na makasalita at matunog ng wikang Filipino.
Ang mga suliraning ito base sa malinaw, subali’t ‘di-kumpletong pagsisiyasat. Maaaring pag-tibayan ito pamamagitan ng 1) pag- kumpleto ng buong diksiyunario, mula titik “a” hanggang “z”, 2) panayam sa mga patnugot tungkol sa mga balangkas at polisiya, at 3) masusing paghambing sa ibang diksiyunaryong Filipino.
------------
Footnotes
1Robin Daniel Z. Rivera. “Noise 2: Exploring Noise and Noise, Ingay and Ingay”. 12 Abril 2002.
2Virgilio S. Almario (ed.). UP Diksiyonaryong Filipino. (Quezon City, Sentro ng Wikang Filipino, 2001), 1-69.
3Linangan ng mga Wika sa Pilipinas. Diksyunaryo ng Wikang Filipino, Unang Edisyon. (Cacho Hermanos Inc., Mandaluyong, Metro Manila, 1989)
4Robin Daniel Z. Rivera. “Noise 2: Exploring Noise and Noise, Ingay and Ingay”. 12 Abril 2002.